An Open Letter: To all Women on Valentine's Day


Is the thought of celebrating Valentine's Day driving you mad? 

Ikaw!
Oo, ikaw nga! Huwag mo nang ilipat ang cursor ng computer mo at mag-maang-maangan na hindi ikaw yung tinutukoy ko.

Isa ka sa mga babaeng nakatanggap ng regalo ngayon, mapalad ka. Mukhang fresh at bagong dilig lang ang labindalawang red roses na hawak mo ngayon at may kasama pa talagang note na may nakasulat na  'Happy Valentine's Day Baby' at wagas kang makangiti ngayon, umaabot hanggang EDSA. At hindi lamang red roses ang nakarating sa iyo, may kasama itong tsokolate at malambot na brown teddy bear na masarap akapin sa panahong tag-lamig. Naguumapaw sa kagalakan ang iyong nararamdaman dahil isa ka sa milyong babae na nabiyayaan ng boyfriend, aba! with hashtag of happy girlfriend/wife here o kaya naman facebook status of in a relationship this day pa. Isa ka sa mga babaeng maswerte na nakatagpo ng wagas na pag-ibig  I am happy na bukod sa tunay na pagmamahal may bonus ka pa na material things  na bigay sa  iyo ng boyfriend /husband mo, ang kanyang pagpapahalaga sa araw na ito ay tulad ng pagpapahalaga niya sa iyo lalo na sa kaligayahan mo. Ang bulaklak, tsokolate at huggable teddy bear ay walang saysay kung hindi ka niya mamahalin ng todo-todo. Hindi ang material na bagay ang simbolo ng Valentine's Day, ang pagbigay niya sa iyo ng regalo ay outcome ng pagmamahal niya sa iyo. Masaya ako para sa iyo, walang halong biro at inggit. You deserve all the happiness in the world. You are the woman who is appreciated and loved, not only on Valentine's Day but forever. Ikaw na at sayo na ang korona bes!

Please move the cursor down, a little bit. 
Ayan, sakto parang coke. Siguro, hindi ka pa nasatisfy sa mga nabasa mo at ang tanong mo 'how 'bout me?' Single, walang boyfriend, walang kabiyak ang dibdib, walang tsokolate, walang red roses at walang teddy bear, and i just got a blanket and pillow. Sabi nga ni Beyonce, Girls run the world! Kadalasan ang Valentine's Day ay isa sa mga okasyon na kinamumuhian mo at ipinagdadasal mo na sana mawala na lang ang February 14 sa kalendaryo at isinusumpa mo lahat ng kaibigan mo may boyfriend at may bulaklak tuwing sasapit ang araw na ito. Bes! huwag kang bitter. Bukod sa hindi mo pa napapanahon ang magkaroon ng red roses at tsokalate, hindi pa naisulat ni Lord ang pangalan ng magiging boyfriend/husband mo sa aklat ng buhay mo. Wag kang magmadali, wag atat, hindi nauubos ang bulaklak sa Dangwa. Isipin mo na lang, undas ang February 14, magtirik ka ng kandila at magdasal ng taimtim. Joke lang Bes! But seriously speaking, aheemm, grab the oppurtunity to be single, you have time to mingle. Being single is an oppotunity to live on your own terms and condition without an apology. You don't have to be ashamed of your relationship status, embrace it. Be thankful that you don't have to be stress all day on what to wear on a date or even worried if your going to get something on this occassion. Come on! Cheer up, you can atleast lavish yourself , together with your family with the most love that you have. Bes! hindi kasi lahat ng may bulaklak at tsokalate sa Valentine's Day tunay na masaya, yung iba, pang-facebook status lang. Pwede mo din namang gawin yun, kaya lang you're just wasting your effort sa pag-hahashtag. Bes, kahit single ka ang February 14th is the day of love, but that doesn’t have to be love towards another person, it can be love towards yourself. Don't forget that your worth is not defined based on what other people think of you.

Sa totoo lang, isang araw lang naman ang Valentine's. Bukod sa pasko, new year at birthday mo, ang araw ng pag-ibig ang isa sa mga okasyon na talaga namang binigyan natin ng importansya, lalo na ang pagbibigay natin ng regalo sa ating mga minamahal. Paminsan-minsan, naiisip ko, gaano nga ba kahalaga ang okasyon na ito bilang isang babae? Dito nga ba talaga nasusukat ang halaga mo sa isang tao? 

Single, may boyfriend o may asawa ka man, may red roses, chocolate or teddy bear ka pa o kahit wala kang natanggap kahit ni isa sa mismong araw ng mga puso, mahal ka niya. Masaya siya na ikaw ang babae na nagpapatibok at nagpapabilis ng puso niya sa tuwing namamasdan niya ang mukha mo. Masaya siya na sa tuwing ipinaghahanda mo siya ng almusal at inaayos mo ang kuwelyo nang kanyang uniform. Sobrang naappreciate niya lahat ng effort mo para sa kanya. Ang halaga mo sa kanya ay hindi matutumbasan ng kahit na anung uri ng flowers, o kahit gaano katamis na chocolate o kalambot na teddy bear, mahalaga ka sa kanya yun na yun. 

Remember, whether single or married, it’s about your thoughtfulness towards yourself and your partner that counts, not the monetary value of the presents or dates.  Sabi nga ni Kathryn Stockett, "You is kind. You is smart. You is important."

At higit sa lahat, God is love and therefore love is God. No one else will love you more than Him.

Enjoy loving you and celebrating your loved one on this special day.










Share this:

,

CONVERSATION